-- Advertisements --

Muling naging aktibo sa Instagram ang rapper na si Kanye West.

Nagpost ito ukol sa pagkakaroon niya ng desisyon kung saan niya papayagang pumasok ang apat na anak nito.

Ibinahagi din nito ang screenshot ng text ng kaniyang dating asawa na si Kim Kardashian kung saan pinapahinto nito na talakayin sa social media ang kaniyang anak.

Kasama rin na ibinahagi nito ang screenshot ng mensahe mula sa kaniyang biyenang babae na si Kendall Jenner na nakikiusap na huwag siyang idamay.

Magugunitang naghain si Kardashian ng divorce sa asawa noong Pebrero 2021 kung saan mayroon silang apat na anak.