-- Advertisements --
Bumalik sa number 1 spot ng Billboard Hot 100 ang kanta ni Taylor Swift na “Anti-Hero”.
Pinalitan nito ang pamamayagpag noong Holiday season ng kanta ni Mariah Carey na “All I Want For Christmas Is You”.
Ayon sa Billboard nakakuha ang kanta ng 83.8 milyon radio airplay audience impressions, 17.2 million streams at 6,000 units sold mula Disyembre 30, 2022 hanggang Enero 5, 2023.
Kapantay na nito ang kanta rin ni Swift na “Blank Space” na may pinakamaraming bilang ng pagiging numero uno ng Billboard Hot 100.