Nakuha ng BTS member na si Jungkook ang top global K-pop song sa 2023 Billboard Music Awards (BBMAs) sa kanta niyang “Seven”.
Sa kaniyang pre-recorded acceptance speech, pinasalamatan niya ang fans ng BTS na ARMY dahil kung hindi sa kanila ay hindi mangunguna ang kaniyang kanta.
Ang award ay siyang unang panalo sa pagkanta ng solo sa Billboard Music Awards.
Mayroon kasing 12 Billboard Music Awards ang BTS.
Ang Top global K-pop song ay isa sa siyam na bagong kategorya na ipinakilala sa BBMAs.
Nagwagi ang Stray Kids bilang Top K-pop album award bilang ang kanilang kanta na “5-star” na nanguna sa Billboard 200 chart noong Hunyo at nanatili sa chart ng 16 na linggo.
Habang ang New Jeans ay nagwagi bilang Top K-pop artist awards na agad sumikat ng magsimula sila noong 2022.










