-- Advertisements --
Umabot na sa 800 milyon views sa YouTube ang kanta ng BlakcPink na “Whistle”.
Ito na ang pang-walong video ng Korean group na nakaabot ng nasabing bilang ng views.
Ilan sa mga kanta na mayroong milyong views ay kinabibilangan ng “Ddu-du Ddu-du”, “Kill This Love” at “BoomBayah”.
Ang “Whistle” kasi ay isa sa double main tracks ng grupo m ula sa debut single na “Square One” na lumabas noong Agosto 2016.
Nauna rito pumalo na rin sa mahigit 100 milyon views sa YouTube ang bagong kanta nilang “Pink Venom” 30 oras noong ito ay inilabas at mayroon ng 200 milyon views matapos ang pitong araw.