Labis ang pasasalamat ng kampo ni WNBA star Brittney Griner sa mga suportang nakukuha nito matapos na maaresto sa Russia ng makuhanan ng illegal substance.
Sinabi ng kaniyang asawang si Cherelle Griner na nagpapasalamat ito sa mga fans at mga kaanak nila na nagpaabot ng pagdarasal para agad na makalaya ito.
Humingi ito ng privacy sa tunay na pangyayari sa kaniyang asawa dahil patuloy ang kanilang ginagawang hakbang para makalaya ito.
Base kasi sa inilabas na video ng mga Russian authorities, nahulian ang 31-anyos na si Griner ng pinagbabawal na substances mula sa cartridge ng kaniyang vape sa Sheremetyevo airport .
Naglalaro kasi bilang import ng Russian Euroleague si Griner.
Si Griner ay 1st overall pick ng 2014 WNBA Draft at isa sa best players sa liga.
Kabilang sa mga tagumpay nito ay ng makasama sa All-Star ng pitong beses, 2x Scoring Champ at 2x WNBA Defensive Player of the Year at WNBA Champion.