-- Advertisements --
Nagpalitan na ng komunikasyon ang kampo nina Vice President Leni Robredo at panig ni VP-elect Sara Duterte-Carpio.
Nagpaabot na rin ng pagbati si Robredo sa panalo ni Duterte-Carpio sa nakaraang vice presidential race.
Una rito, lumiham ang kampo ng VP-elect sa kasalukuyang bise presidente para humiling ng pakikipagpulong para sa maayos na transition.
Ayon naman sa tugon ni Robredo, nakahanda silang sagutin ang lahat ng mga tanong ng magiging susunod na pangalawang pangulo tungkol sa kanilang mga trabaho.
Ang chief of staff ni VP Leni na si Philip Dy, ang inatasan na magtakda ng pulong sa susunod na bise presidente at mga tauhan nito.