-- Advertisements --

Nilinaw ng kampo ni Vice-President elect Sara Duterte-Carpio sa hiling nila na makikipagpulong sa Office of the Vice President kasama si Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Mayor Christina Garcia Frasco, ang tagapagsalita ng Davao City Mayor, na ang initila na pagpupulong ay sa pagitan ng kampo ng incoming at outgoing vice presidente at hindi ang personal na pakikipagkita ni Duterte-Carpio at Robredo.

Laman aniya ng sulat ng VP elec- noong Mayo 27 na paghiling ng virtual meeting sa mga miyembro ng bawat kampo para mapag-usapan ang protocols, polisiya, precedents at ibang mga usapin ukol sa Office of the Vice President.

Naipadala na nila ang sulat at hinihintay na lamang ang tugon ni Robredo.