-- Advertisements --

Hiniling ng abogado ni suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sa panel of prosecutors na ibasura na lamang ang kasong murder na isinampa sa kaniya dahil sa pagpatay umano kay Governor Roel Degamo.

Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio ang abogado ng mambabatas na walang ebidensiya na nagbibigay suporta sa nasabing kaso.

Sinabi pa nito na ang lahat aniya ng 10 mga akusado ay binawi na ang kanilang mga sinumpaang salaysay.

Sumailalim umano sa torture ng mga otoridad ang mga naarestong suspek para idiin ang mambabatas sa nasabing krimen.

Pawang mga imbento rin aniya ang mga pahayag ng nasabing mga naarestong sangkot na hindi mapatunayan ng mga otoridad na mayroong silang direktang pagkakasangkot sa pagpatay sa gobernador.

Hindi rin aniya magagamit bilang ebidensiya ang mga nakuhang gamit sa safe house na ginamit umano ng mga suspek gaya ng mga helicopter at mga CCTV footage.

HInamon pa ni Topacio si Justice Secretary Jesus Remulla na kung totoo ito sa pagpapatupad ng hustisya ay dapat utusan nito ang prosecution na ibasura ang kaso.