-- Advertisements --

Bukas umano ang kampo ni Senator Manny Pcquiao sa posibleng imbestigasyon sa di-umano’y paglabag nito sa COVID-19 health protocols sa kaniyang dinaluhan na evant sa Batangas.

Sa isang pahayag, iginiit ng kampo ni Pacquiao na walang nagawa na anumang paglabag ang mambabatas.

Nagtungo si Pacquiao sa Batangas noong nakaraang linggo upang mamahagi ng relief goods at maagang pamasko sa mga residente ng nasabing lungsod na naapektuhan noong pumutok ang Bulkang Taal noong Enero 12 ng kasalukuyang taon.

Bago ito ay nagpunta na ang mambabatas sa Bacoor, Cavite; Rizal province at Marikina City para mag-abot naman ng tulong sa mga residente na sinalanta ng mga nagdaang bagyo.

Saad pa sa pahayag, ginawa ng kampo ng senador ang lahat ng kanilang makakaya upang panatilihin ang social distancing sa bawat lugar.

May mga marshalls pa na ipinakalat para tiyakin na nasusunod ng mga requirements ng National Task Force on COVID-19.

Bukod dito, kung ano man daw ang mga litrato na naglabasan sa social media ay hindi sumasalamin sa kung ano talaga ang tunay na nangyari.