-- Advertisements --

Iginiit ng kampo ni dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez na inosente siya mula sa alegasyong ibinabato laban sa kaniya kaugnay sa maanomaliyang flood control projects.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na naghahanda ang mga piskal na magsampa ng kasong plunder laban kay Romualdez.

Gayunman, ayon kay Atty. Ade Fajardo, abogado ni Romualdez, wala pang ebidensyang nag-uugnay kay Romualdez sa “ghost” o substandard projects.

Binigyang-diin din niya na wala pang naihahaing kaso, wala pang probable cause, at wala pang pinal na desisyon ukol sa pananagutan.

Kumpiyansa ang kampo ng mambabatas na ibabatay ng Office of the Ombudsman ang anumang hakbang sa ebidensya at due process, hindi sa pulitika.

Tiniyak din nilang makikipagtulungan si Romualdez sa anumang pormal na imbestigasyon.