-- Advertisements --
Dumepensa ang kampo ni dating heavyweight boxing champion Mike Tyson matapos na masangkot ito sa pambubugbog sa kapwa pasahero nito sa JetBlue plane sa San Francisco.
Ayon sa representative nito na si Joann Mignano na isang agresibong pasahero aniya ang nagsimulang mag-harrass kay Tyson at nagbato ng mga bottled water.
Agad naman nagtungo ang kapulisan ng San Francisco Police Department (sfpd) sa domestic terminal ng San Francisco International Airport.
Ikinulong naman ng mga otoridad ang dalawang katao kung saan ang isa ay dinala sa pagamutan.
Magsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing insidente.
Nasa San Franciso si Tyson para sa promosyon ng kaniyang Cannabis brand.










