-- Advertisements --
vic on bbm

Ikinagalak ng kampo ni presidential candidate Bongbong Marcos ang tuluyang pagbasura ng Comelec sa lahat ng disqualification case na nakahain laban sa dating mambabatas.

Ayon sa tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez, naniniwala sila na ginawa lang ng poll body ang nararapat, dahil wala naman talagang basehan ang nasabing mga petisyon.

Dati na kasing nabasura ang tatlong disqualification cases sa division level, ngunit iniakyat lamang ang mga ito sa en banc para sa motion for reconsideration.

Payo naman ng poll officials sa mga petitioner, idulog na lang ang kaso sa korte kung hindi sila kontento sa desisyon ng komisyon.