Ikinatuwa ng kampo ni dating senador Leila de Lima ang naging statement ng dalawang testigo hinggil sa kagustuhan nitong bawiin ang kanilang mga naunang pahayag laban laban kay Delima
Ang dalawang testigo ay sina Rodolfo Magleo atb Nonilo Arile.
Kung maaalala Sa kanilang ginawang liham sinabi ng mga ito na sila ay nababagabag ng kanilang konsensya at simula pa man noong 2028 ay gusto na nilang bawiin ang kanilang statement laban kay De Lima.
Ayaw umano nilang maging biktima si delima ng umano’y mistrial .
Kung maaalala, inakusahan ng dalawa si De Lima na tumanggap umano ng pera mula sa Bilibid na ginamit umano ng dating senador sa pangangampanya.
Humiling rin ang mga ito na ilipat sila sa mula Sablayan Penal Colony patungo sa New Bilibid Prison matapos ang mga natatanggap nilang banta sa kanilang buhay.
Ito ay kaagad namang pinagbigyan ng korte.
Ayon kay Atty. Filibon Tacardon, legal counsel ni De Lima, ang sulat ay inabot mismo ni Rodolfo Magleo sa kanilang kliyente bago magsimula ang hearing .
Nanawagan naman si Tacardon sa iba pang mga testigo na sundin ang ginawa ng ilang witness sa kaso ng kanilang kliyente.
Samantala, pitong taon nang naka detain ang dating senador habang ang kanyang inihain na bail petition ay na pending motion for reconsideration.