-- Advertisements --

Humingi ng paumanhin ang Feelmaking Productions Inc. na may hawak sa shooting sa Baguio City ng aktor na si Arjo Atayde.

Kasunod ito ng pag-alis ng aktor sa syudad at pagbyahe patungong Metro Manila, nang walang pakikipag-coordinate sa lokal na gobyerno ng Baguio.

Ayon kay Ellen Criste, production head ng Feelmaking Productions Inc., dumanas ng mataas na lagnas, pananakit ng ulo at nahirapang huminga si Arjo, kaya sumailalim ito sa COVID test, kung saan siya natuklasang positibo.

Agad raw itong ipina-alam sa pamilya at doktor, kung saan napagkasunduan nilang agad itong isugod sa ospital sa Maynila.

Nakipag-ugnayan na rin daw ang pamilya Atayde sa tanggapan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong at nangakong makikipag-cooperate.

Maliban kay Arjo, nagpositibo rin ang siyam na iba pang kasamahan nito at ngayon ay nasa isolation area na.

Humiling ng panalangin ang Feelmaking Productions para sa agarang paggaling ng aktor mula sa COVID-19.