BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Lt.Col. Isagani O. Criste, ang battalion commander ng 29th Infantry “Matatag” Battalion, na nakubkob ng kanilang puwersa ang kampo ng New People’s Army (NPA) na makaka-accommodate ng 50 katao.

Ito’y matapos ang kanilang bakbakan sa bukiring bahagi ng Hilong-hilong Complex sa Barangay Mahaba, Cabadbaran City sa Agusan del Norte kaninang madaling araw.

Nagresulta rin ito sa pagkamatay ng isang rebelde at pagkakasugat naman ng isang sundalo na ginagamot na sa Camp Evangelista Station Hospital sa Barangay Patag, Cagayan de Oro City.

Sa ngayon, kinikilala pa ang napatay na rebelde na miyembro ng Sentro De Gravidad 21, Guerilla Front Committee 21 ng North Eastern Mindanao Regional Committee sa liderato ni Wnston Anob alyas Ka Dongkoy.

Naekober din sa encounter site ang matataas na kalibre ng armas gaya ng AK47 rifle at M4 rifle pati na ang iba’t ibang mga bala at mga pagkain