-- Advertisements --
Umapela na ang kaanak ng 17-anyos na napatay ng mga kapulisan sa Paris na itigil na ang kanilang madugog kilos-protesta.
Sa panawagan ng lola ni Nahel Merzouk matapos na mailibing na ang binatilyo ay sinabi nito na dapat mahinto na ang kilos protesta.
Wala na rin aniya silang magagawa dahil pumanaw na ang kanilang apo.
Ito na ang ikaanim na araw ng kilos protesta kung saan mahigit 45,000 pa rin na kapulisan ang ipinakalat sa kalsada ng Paris matapos na pinagsusunog ng mga protesters ang ilang sasakyan at buses.
Dahil sa patuloy na kaguluhan ay kinansela muna ni French President Emmanuel Macron ang kaniyang biyahe sa ibang bansa.