-- Advertisements --

Inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) na ang digital media literacy campaign na iminungkahi ng Presidential Communications Office (PCO) ay dapat na “ whole of society approach”.

Ito’y para matiyak ang transparency at accountability sa pamamahala nito.

Sa pamamagitan ng pagkonsulta sa pinakamaraming marginalized na sektor at mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao, mapoprotektahan ng nasbaing kampanya ang kanilang kolektibong karapatan sa impormasyon.

Ang panukalang digital media literacy campaign ay ipinalabas ng Presidential Communications Office o PCO sa panahon pagpupulong sa kaganapan sa New York City.

Sinabi nito na ang kampanya ay magsasagawa ng “factual grassroots approach” sa pagbibigay ng kaalaman at kasanayan sa mga kababaihan, at miyembro ng mga mahihinang sektor upang matukoy ang katotohanan sa mga materyal na ginagamit nila sa social media at iba pang online platform.

Ang inisyatiba ay bubuo din ng pakikipagtulungan sa pribadong sektor at broadcast industry stakeholders sa pag-asang maalis ang laganap na maling impormasyon at disinformation sa bansa.