Tiniyak ng pinuno ng World Food Programme (WFP) ang kanilang suporta para sa Pilipinas sa gitna ng pagsisikap ng Administrasyon na labanan ang kagutom.
Siniguro naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang buong pakikiisa ng Pilipinas sa layunin ng World Food Programme.
Ang pagtiyak ay ginawa ng Punong Ehekutibo sa kanilang naging pagpupulong sa Malacanang ni Cindy McCain, Executive Director ng WFP.
Sa naging pulong Ng Chief Executive at Mc Cain, tinalakay ng dalawa ang kailangang pagtutulungan upang wakasan ang gutom sa bansa.
Pinasalamatan Naman ito ng Pangulo kasabay ng pagpapahayag ng pakikiisa ng Pilipinas sa mga layunin ng organisasyon.
Sa mga nakaraan ay nagpahayag ang Pangulo na Isang cohesive approach ang kailangan sa pagtugon sa gutom at hanggat maaari ay maiwasan na Ang duplication ng feeding programs Ng ibat- ibang ahensiya ng pamahalaan.