-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Pinaigting pa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12) ang kanilang online kampanya laban sa illegal drugs.
Sinabi ni PDEA 12 Information Officer Kath Abad, layunin nito na maituro sa mga mag-aaral pati na mga guro ang mga bagong modus operandi ng mga drug pusher.
Inamin naman ni Abad na modern na ngayon ang teknolohiya ay sinasamantala rin ng mga drug trafficker na gumagamit na rin nito.
Dagdag ni Abad na tinuruan nila ang mga kabataan kung paano makaiwas sa online na bentahan ng iligal na droga.









