-- Advertisements --

Ipinag-utos ni PNP Directorate for Operations (DO) P/MGen. Val Del Leon sa lahat ng mga Chief of Police at police unit commanders nationwide na mas paiigtingin pa ng PNP ang kampanya laban sa loose firearms.

Ito ay kasunod sa pagtatapos ng ipinatutupad na gun ban nitong June 8, 2022.

Ayon kay De Leon, kabuuang 3,651 na mga indibdiwal ang naitalang lumabag sa ipinairal na gun ban mula January 9 hanggang June 8 sa bansa.

Sa bilang na ito, nakumpiska ang 2,812 na mga baril.

Sinabi ni Del Leon na para matiyak na peace and order sa buong bansa kailangan makumpiska ang mga loose firearms na ginagamit ng mga kriminal.

Kailangan ayon kay Del Leon na magsagawa ng checkpoints and intelligence-driven actions ang mga pulis para mapigilan ang anumang tangkang krimen.

Si Del Leon na dating pinuno ng PNP Firearms and Explosives Office (FEO), ay inatasan rin ang mga pulis sa ground na bigyang atensiyon ang accounting ng loose firearms at obligahin ang nga gun owners na may mga expired na lisensya na isuko ang kanilang baril sa pinakamalapit na police stations.

Batay sa data ng PNP mayroong 600,000 firearms ang expired na ang lisensya sa second quarter sa 2021 sa buong bansa.

Ayon sa PNP ang baril na walang lisensya ay ikinokonsiderang loose firearm.