-- Advertisements --
isda palengke

Tuluy-tuloy ang pagpapaigting ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa kampaniya laban sa pagbebenta ng smuggled na isda sa mga palengke upang maprotektahan ang kabuhayan ng lokal na mangingisda sa ating bansa.

Ito ay alinsunod sa kampaniya ng BFAR na pagpapaigting ng kanilang information, education at communication (IEC) na tinawag na “Imported na Isda sa Merkado, Pwede Kapag Awtorisado!.”

Kaugnay nito, naglilibot ang BFAR sa 21 wet markets sa buong Metro Manila para maipaalam sa mga fish vendors ang mga ipiangbabawal ibenta sa palengke na imported o inagkat na mga isda.

Kasunod na rin ito ng pagpapahintulot ng gobyerno na pag-aangkat ng ilang isda para mapunan ang gap sa suplay ng isda at mapanatiling stable o walang paggalaw sa presyo ng mga produktong isda sa retail markets sa gitna ng umiiral na closed fisghing season.

Todo din ang pagpapaigting ng BFAR sa pagmonitor, inspeksiyon at pagkumpiska sa mga iligal at diverted na inangkat na mga isda sa merkado.

Sinuspendi din ng ahensiya ang pag-iisyu ng sanitary at phytosanitary import clearances para sa importasyon ng round scad (galunggong), mackerel (alumahan), bonito (tulingan), moonfish (bilong-bilong), pampano at tuna by-products.