Iniimbestigahan na ngayon ng PNP sa Isabela City probinsiya ng Basilan ang nangyaring kambal na pagsabog kahapon sa siyudad.
Naitala ang unang pagsabog bandang alas-5:45 ng hapon sa parking lot ng isang fast food chain sa Isabela City proper at sinundan ito ng ikalawang pagsabog bandang alas-6:15 ng gabi sa isang bus terminal sa Valderosa St. Barangay La Piedad, Isabela City.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Isabela City Police bomb squad team sa unang pagsabog walang naitalang casualties at walang nasirang properties.
Ang pangalawang pagsabog naitala sa garahe ng D’Biel Transportation Co. na nag resulta sa pagkasira ng nasabing garahe, isang Isuzu Canter at tatlong Isuzu buses.
Dalawang indibidwal ang naitalang nasugatan na nakilalang si Evangeline Gudilla Francisco, 28 years old,residente ng La Paz, Barangay Sunrise, Isabela City.
Nagbabantay si Francisco ng kaniyang tindahan nang nangyari ang pagsabog ay nagbabantay ng tindahan sa mismong garahe.
Agad naman isinugod sa Infante Hospital para sa kaukulang medical attention na itinuring na mga out patient.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang isinasagawang post blast investigation ng mga tauhan ng EOD at SOCO personnel.
Sa kabilang dako, nananawagan naman si Isabela City Mayor Sitti Djalia Turabin Hataman sa mga Isabeleño na maging mapagmatyag at kalmado kasunod ng kambal na pagsabog.
Siniguro naman ni Mayor Hataman na hindi sila patitinag sa anumang pananakot lalo at patuloy na umaarangkada ang ekonomiya ng siyudad at buong probinsiya at gumaganda din ang kabuhayan.
Samantala, tinutukoy na ng PNP kung sino ang nasa likod ng kambal na pagsabog sa Isabela City Basilan.
Una ng ipinag-utos ni PNP OIC Chief PLt Gen. Vicente Danao sa mga regional police directors at unit commanders na palakasin ang kanilang seguridad, magsagawa ng checkpoint operations, target hardening at paigtingin ang intelligence monitoring.
Sinabi ni Danao na ang pagsabog sa Koronadal City at Tacurong City ay posibleng kagagawan ng local terrorist group na sangkot sa extortion activities.