Tiniyak ng House of Representatives na hindi na mapipigilan ang Charter Change sa pamamagitan ng Peoples Initiative kahit hindi ito suportado ng Senado.
Ito ang binigyang-diin ni Albay Representative Joey Salceda na siyang chairman ng House Committee on Ways and Means.
Kinumpirma ni Salceda na nakuha na ang 3 percent na pirma ng mga botante sa bawat congressional district at umabot na sa 12.1 percent ang nakalap na pirma sa buong bansa na siyang requirements sa probisyon ng 1987 Constitution upang maisulong ang Charter Change sa pamamagitan ng Peoples Initiative.
Inihayag ni Salceda na sa sandaling naihain na ng mga Pro ChaCha sa pamamagitan ng Peoples Initiative ang petisyon, ang Comelec na aniya ang magsasagawa ng validation hinggil sa mga nakalap na pirma.
Nanindigan si Salceda na panahon na para amyendahan ang 1987 Constitution partikular ang economic provisions para lalo pang magbukas ng oportunidad sa larangan ng Foreign Investment.