Tiniyak ngayon ng liderato ng Kamara na mas dodoblehin pa nila ang kanilang pagsisikap sa susunod na taon para mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino.
Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na kasunod ng mabilis na pagpasa sa P5.268-trillion national budget para sa 2023 tinitiyak nitong maipapasa rin ng mabilis ang 12 Common Legislative Agenda (CLA) measures ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa susunod na taon.
Kabilang sa 12 priority measures ay ang mga enactment ng enabling law para sa natural gas industry; amendments sa Electric Power Industry Reform Act o EPIRA; Unified System of Separation, Retirement and Pension; E-Governance Act and E-Government Act; National Land Use Act; National Defense Act; National Government Rightsizing Program; Budget Modernization Bill; Department of Water Resources; pagtatatag Nng egros Island Region; magna carta Filipino seafarers at ang pagtatatag ng regional specialty hospitals.
Naniniwala si Romualdez na ang pinakamagandang paraan para iparating ang kanilang pasasalamat para sa mga Pilipino ay ang oportunidad na makapagsilbi sa ating bansa.
Sinabi nitong tuloy-tuloy daw ang commitment ng House leadership na suportahan ang agenda para sa kasaganaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.