-- Advertisements --

Handang mag-overtime ang Kamara sa kanilang sesyon sa plenaryo upang mabilis na maaprubahan ang 2020 proposed P4.1-trillion national bugdet.

Sinabi ni House Majority Leader Martin Romualdez na magdo-doble kayod silang mga kongresista kung saan bukas, Setyembre 10, ay sisimulan na nila ang deliberasyon sa panukalang pambansang pondo.

Ayon kay Romualdez, ala-1:00 pa lang ng hapon ay sisimulan na nila ang budget deliberation sa plenaryo at magtutuloy-tuloy ng hanggang gabi.

Kahit tuwing Biyernes aniya ay magtatrabaho rin ang Kamara para matiyak ang mabilis na pag-apruba sa 2020 proposed budget.

Samantala, umaapela naman si Romualdez sa mga kapwa niya kongresista na tulungan sila sa budget process at iwasan na ang paulit-ulit na katanungan.