Nakahanda ang Kamara sakaling magpatawag ng special session si Pangulong Rodrigo Duterte para maaprubahan ang Bayanihan to Recover as One bill o ang Bayanihan II.
Sinabi ni Houe Majority Leader Martin Romualdez na hinihintay pa nila ang direktiba mula sa Palasyo ng Malacanang hinggil sa posibleng pagdaraos ng special session.
Sinabi ni Romualdez na makakatulong ang Bayanihan II kay Pangulong Rodrigo Duterte para masinduhan ulit ang ekonomiya ng bansa at mapalakas ang laban ng pamahalaan kontra COVID-19.
“We have to support the President to ensure the country and Filipinos’ survival from this pandemic,” ani Romualdez.
“The members of the House Majority are in full agreement that we all have to work for the passage of the Bayanihan II. We will get the job done,” dagdag pa nito.
Mababatid na nag-adjourn sine die ang Kamara noong Hunyo nang hindi naaprubahan ang Bayanihan II, na siyang supplement measure sa Bayanihan to Heal as One Act.
Pending pa rin ito sa ngayon para sa period of amendments.
Sa ilalim ng panukala, bibigyan pa rin ng emergency subsidy ang mga displaced workers, support programs para sa mga apektadong sektor, pagkakaroon ng cash-for-work programs at iba pang tulong sa mga apektado ng public health crisis.
Layon ng panukalang ito na maglaan ng P162-billion standby fund na tatagal ng hanggang Setyembre ng taong kasalukuyan.










