Maitutuon na ng Kamara de Representantes ang kanilang atensiyon sa iba pang mahalagang panukala ngayong tapos na 19 na panukala na target na maaprubahan ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) hanggang sa Hunyo 2024.
Ito ang sinabi nina Lanao del Norte Rep. Mohamad Khalid Dimaporo, Negros Occidental Rep. Franscisco “Kiko” Benitez, PBA Rep. Margarita Ignacia “Atty. Migs” Nograles, at Taguig City 2nd District Rep. Amparo Maria “Pammy” J. Zamora, na hindi magpapahinga ang Kamara dahil lamang nagawa na nito ang mga panukala na hiniling ipasa ng LEDAC.
Nauna ng iniulat ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa LEDAC na natapos na nito ang lahat ng panukala na target aprubahan hanggang sa Hunyo 2024.
Sinabi ni Dimaporo na bukod sa mga local bills, mayroon pang ibang panukala na dapat pagtuunan ng pansin ng Kamara gaya ng Second Congressional Commission on Education, o EDCOM 2.
Sinabi naman ni Nograles na mayroong mga panukala na mahalaga rin maisabatas upang masuportahan ang economic agenda ni Pangulong Marcos.
Para naman kay Benitez mayroon ding oversight power ang Kamara na maaari nitong magamit upang masilip ang mga kinakailangang pagbabago para mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.