-- Advertisements --

Inatasan ng House of Representatives ang kanilang secretary general na ipamahagi sa lahat ng miyembro ang kopya ng resolusyon na naglalaman ng Articles of Impeachment laban kay VP Sara Duterte.

Ayon sa liderato ng Kamara, naipamahagi na ang parehong electronic at printed copies ng Committee Report No. 261, na kinabibilangan ng House Resolution 989 na inaprubahan ng House Committee on Justice.

Inaasahang muling magbubukas ang sesyon ng plenaryo sa Mayo 11, kung saan posibleng talakayin ang susunod na hakbang sa impeachment.

Matatandaang nagkaisang nagpasya ang justice committee na may “probable cause” ang mga reklamong inihain laban sa Bise Presidente, kabilang ang umano’y misuse of confidential funds at pagbabanta sa Pangulo at kanyang pamilya, mga alegasyong itinanggi ng kampo ni Duterte.

Nauna nang na-impeach si Duterte noong 2025, ngunit ibinasura ng Supreme Court ang mga articles of impeachment dahil sa paglabag umano sa limitasyon ng Konstitusyon sa paghahain ng sunod-sunod na reklamo. (report by Bombo Jai)