Inaprubahan sa plenaryo ng Kamara ang House Concurrent Resolution No. 37 o resolusyon na nagsasaad na maisama sa dalawang distrito ng Taguig at munisipalidad ng Pateros ang 10 EMBO barangay.
Ito ay upang hindi ma-disenfranchise ang mga botante sa nalalapit na 2025 mid-term elections.
Sa manipestasyon naman ni Makati Rep. Luis Campos Jr., ipinunto niya na ang naturang concurrent resolution ay persuasive in nature lamang at hindi maaaring ituring na batas.
Giit niya na hindi dapat isipin na magagamit ang resolusyon para isantabi ang legislative process nang pagbuo at paghahayo ng distrito.
Nagpasalamat naman si Taguig Rep. Ading Cruz sa pag apruba ng resolusyon.
Aniya ang gusto lang naman nila ay makaboto yung 10 barangay sa mga embo sa lungsod ng Taguig alinaunod sa desisyon ng Supreme Court decision.
Katunayan noon aniyang BSK elections ay sa Taguig na bumoto ang naturang mga barangay.
Matatandaan na mula Makati ay sakop na ngayon ng Taguig ang naturang EMBO barangays.