-- Advertisements --

tutuloy pa rin daw ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang kontrobersyal na proyekto ng pagbuo sa Kaliwa Dam.

Sinabi ni MWSS Administrator Emmanuel Salamat sa briefing ng House committee on Metro Manila Development na agad nilang sisimulan ang konstruksyon kapag nakakuha na sila ng environmental compliance certificate nito.

Tiniyak naman ng opisyal na hindi nila papabayaan ang mga indigenous people (IP) community sa Infanta, Quezon na maapektuhan ng konstruksyon ng naturang dam.

Sisilipin naman din daw nito ang umano’y iregularidad sa bidding ng proyekto na itatayo ng China Energy Engineering Corp na nauna nang naaprubahan noong 2014.

Noong nakaraang taon ginawang official development assistance ang naturang proyekto kasunod ng naging pagpupuong nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Sinasabing nasa 600-milyong litrong tubig sa Metro Manila ang isu-supply na tubig ng Kaliwa Dam sa buong Metro Manila.

Tinatayang P12.2 billion ang gagastusin dito, kung saan P10.2 billion dito ay popondohan sa ng China habang ang natitirang nasa P2 billion ay magmumula naman sa MWSS.