Binigyang diin ng National Economic and Development Authority na kinikilala nito ang kahalagahan ng pag-update at pagbabago ng ilang mga economic restrictions sa Konstitusyon.
Sa isang pahayag, muling iginiit ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan ang kanyang buong suporta para sa mga Charter amendments sa mga restrictive economic provisions.
Hinikayat rin nito ang mga mambabatas na ipagpatuloy ang kanilang gawain tungo sa pagsasakatuparan ng mga pagbabagong ito.
Gayunpaman, sinabi ni Balisican na mahalagang i-highlight na habanag sumusuporta sa mga ammendments itinataguyod din niya ang isang balanced approach.
Sa 2024 Annual Reception para sa Banking Community na ginanap sa Maynila, sinabi ni Balisacan na missed na ang napakaraming oportunidad sa pamumuhunan dahil sa restrictive environment.
Samantala, sa parehong kaganapan, tinanong si Balisacan tungkol sa economy’s fourth quarter performance , kasama ang mga nu figures na nakatakdang ilabas ng gobyerno sa susunod na linggo.
Kumpiyansa ang NEDA chief na magpapatuloy ang momentum sa ekonomiya, kaugnay ng paglago, employment generation at patuloy na pagbaba ng inflation.
Samantala, binanggit ni Balisacan ang maraming proyekto na mga nakahanay para sa public-private partnership.