Nagdeklara ng all-out war laban sa mga online child predators ang Department of Justice sa pangunguna ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Ang naturang deklarasyon ay ginawa ng kalihim kasabay ng naging pagdiriwang ng bansa ng Safer Internet Day Philippines kahapon.
Kaugnay nito, pinuri ni Remulla ang National Coordination Center Against Online Sexual Abuse o Exploitation of Children and Child Sexual Abuse or Exploitation Materials at ang iba pang pampubliko at pribadong kasosyo sa pangunguna sa matagumpay na paggunita ng Safer Internet Day ngayong taon.
Ayon kay Remulla, ang dedikasyon at hindi natitinag na pangako sa marangal na layuning ito ay tunay na nararapat na magkaroon ng malalim na pagpapahalaga.
Tiniyak rin ng opisyal na patuloy nilang hahabulin ang mga “cyber predator” at protektahan ang mga Pilipino sa digital sphere.
Ang “Safer Internet Day for Children Philippines ay unang ideneklara noong taong 2018 sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 417.
Layon nitong magsilbing buhay na paalala na ang bawat isa ay dapat makibahagi at protektahan ang mga bata mula sa lahat ng uri ng pang-aabuso at pagsasamantala at lumikha ng mas ligtas na cyberspace.