-- Advertisements --

Bumuti ang kalidad ng hangin sa Metro Manila sa unang kalahati ng 2023.

Ayon sa pag-aaral ng Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB), mula Enero hanggang Hunyo, naitala ang kalidad ng hangin sa Metro Manila sa average na 40 micrograms per normal cubic meter (ug/ncm) para sa Particulate Matter 10 (PM10) na bahagyang mas mababa kaysa sa 43 micrograms per normal cubic meter na naitala noong sa parehong panahon noong 2022.

Ang Particulate Matter 10 ay mga microscopic matter na may sukat na 10 micrometers.

Ang isang halimbawa nito ay alikabok mula sa mga daanan at mga lugar ng konstruksyon.

Maaaring i-filter ng katawan ang ilan sa mga particle na ito ngunit maaari pa ring magdulot ng pangangati sa mata, ilong, at lalamunan.

Sinabi pa ng DENR-EMB na bumaba rin ang average level ng Particulate Matter 2.5 sa Metro Manila mula Enero hanggang Hunyo, na nagtala ng 20 micrograms per normal cubic meter mula sa 23 micrograms per normal cubic metersa parehong panahon noong nakaraang taon.

Una na rito, ayon sa nasabing departamento, ang mga motor vehicles ang nangunguna na may malaking ambag sa air pollution sa Metro Manila.