-- Advertisements --
image 394

Plano ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na magtayo ng 500,000 housing units sa loob ng New Clark City sa Tarlac.

Ito ay sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program ng administrasyong marcos.

Ayon sa DHSUD, ito ay magsisilbing tahanan ng hanggang 1.2 millioin Filipinos kapag ganap na maisakatuparan.

Ayon kay DHSUD Sec Rizalino Acuzar, malaki ang potensyal ng New Clark city na pagtatayuan ng mga pabahay sa bansa dahil sa posibleng magsisilbi rin itong venue ng malalaking development sa usapin ng ekonomiya sa bansa.

Kung sakaling papayagan aniya, nakikita nila ang hanggang sa 9,450 ha na maaaring magsilbing pabahay sites sa ilalim ng nasabing programa.

Sa inisyal na tugon, sumang-ayon naman sina Bases Conversion and Development Authority (BCDA) Chairman Delfin Lorenzana, at BCDA President and Chief Executive Officer Engr. Joshua Bingcang sa nasabing panukala.