-- Advertisements --
Itinuturing na ng Department of Energy na nasa state of calamity na ang kalagayan ng power grid bansa.
Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla na isang malaking hamon para sa kanila ngayon dahil sa halos buong bansa ay magkakasunod na nagdeklara ng red and yellow alerts.
Inaasahan pa sa mga susunod na araw na lalaki ang demand ng kuryente dahil sa nararanasang init ng panahon.
Pagtitiyak ng kalihim na kanilang ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya para maiwasan ang anumang aberya sa power supply ng bansa.
Handa umano itong magsagawa ng rain dance para lamang magkaroon ng pag-ulan sa bansa at mabawasan ang mainit na panahon.