Nananatiling mataas ang potensyal para sa mga exporter ng prutas ng Pilipinas sa China sa gitna ng malaking demand mula sa pinakamalaking merkado sa mundo ngunit nililimitahan ng mga hadlang sa supply ang bansa upang mapakinabangan ang mga pagkakataong mag-export.
Sinabi ng mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 20th China-ASEAN Expo sa Nanning, China ay muling pinagtibay ang malaking oportunidad para sa mga produkto ng Pilipinas, lalo na ang durian.
Sinabi ni Philippine Trade and Investment Center in Guangzhou Commercial Consul Froilan Emil Pamintuan, mula noong unang pagpapadala ng sariwang durian ng Pilipinas sa China noong Abril, sinimulan na ng mga potensyal na mamimiling Tsino na tingnan ang pagkuha ng prutas mula sa Pilipinas.
Sa katunayan aniya, nakatagpo ang Ph ng mga potensyal na mamimili na naghahanap ng posibleng pagkukunan ng durian ngunit hindi na sila mapagsilbihan ng mga supplier ng Pilipinas dahil sa pag-aalala sa kapasidad.
Sinabi ni Trade Undersecretary Ceferino Rodolfo na kailangang magtrabaho ang mga stakeholder sa pagtugon sa mababang produktibidad ng mga lokal na magsasaka ng prutas para makuha nila ang demand mula sa mga pamilihan.
Mula Enero hanggang Hunyo 2023, ang mga export ng durian ng Pilipinas sa China ay nagkakahalaga ng $1.88 milyon kumpara sa mga export ng Thailand na $3 bilyon at $828 milyon ng Vietnam.