Kakulangan sa government valid IDs at digital literacy ng mga SIM card subscribers ang itinuturong dahilan ngayon kung bakit nagiging mabagal ang pag-usad ng SIM registration sa bansa.
Sa ngayon kasi ay aabot pa lamang sa 66 million o 39 percent ng kabuuang bilang na 168 million ng mga SIM card users sa buong bansa ang nakakapagparehistro pa lamang ng kanilang mga SIM card noong Abril 11, 2023.
Ayon sa ilang eksperto, dahil dito ay kinakailangan ng hand-holing partikular na sa mga customers na nasa mga probinsya dahil nandoon aniya ang mga lugar na may mababang bilang ng registration.
Kaugnay nito ay sinabi naman ng Department of Information and Communications Technology na pinag-aaralan na nito kasama ang National Telecommunications Commission ang posibilidad ng pagpapalawig pa sa deadline ng SIM registration act.