-- Advertisements --

Ang kakulangan sa mga spare parts ng mga airline companies ang siyang nagiging problema sa pagkakaroon ng pagkaatala minsan ng mga flights.

Sinabi ni Ninoy Aquino International Airport general manager Bryan Co, na dumepende pa rin sa mabilis na pagtugon ng mga international aircraft spare parts at engine manufacturers para maresolba ang mga problema sa paliparan.

Naniniwala din ito na pansamantala lamang ang nabanggit na problema.

Tuloy-tuloy din aniya ng kanilang ginagawang pagpupulong sa mga airline companies para mabilis na matugunan ang anumang problema sa congestion ng mga flights.