DAGUPAN, CITY – Ginagamit lamang na “justification” ang kakulangan ng lokal na produksyon ng para sa importasyon.
Ito ang reaksyon ni Ariel Casilao Vice Chairperson, Unyon ng mga Manggagawa sa Pagsasaka ukol sa ginagawang hakbang ngayon sa importasyon ng sibuyas sa bansa.
Ayon kay Casilao, ang hakbang na ito ng Department of Agriculture ay magpapalala ito sa kalagayan ng local producers.
Aniya, kinakailangan umano na tulungan ng pamahalaan ang mga magsasaka sa kanilang production cost na talaga namang tumaas lalo na noong panahon ng pandemya.
Taong 2020 umano nagsimula ang pagbaba ng produksyon ng sibuyas dahil na rin umano sa mataas na gastusin sa pagtatanim, nasabay sa pandemya, at ang pagpasok ng legal at maging na ilegal na importasyon nito mula sa ibang bansa.
Marami rin umano ang nananamantala ng sitwasyon na iimbak ang ilang suplay nito sa mga bodega at kapag tumaas ang presyo at demand nito ay saka nila ibebenta para sa mas malaking kita na maituturing na price manipulation.
Nakakalungkot umano itong balita lalo na sa mga local producers at mga consumers dahil sa ngayon ay napakamahal na aniya ang presyo nito sa kasalukuyan.
Umaasa naman sila na malulutas ng pamahalaan ang problemang ito sa lalong madaling panahon.