Ipinagmalaki ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na kakaibang national team ang masasaksihan ng mga Pinoy fans na sasabak fourth window ng FIBA Basketball World Cup Asia qualifiers.
Iniulat ni Samahang Basketbol ng Pilipinas executive director at spokesperson Sonny Barrios, nakakabilib umano ang game plan na inihanda ngayon ng coaching staff laban sa mas malakas na team na Lebanon.
Ang Lebanon kasi ang tinanghal na runner-up kamakailan sa Australia sa ginanap na FIBA Asia Cup.
Kuwento pa ni Barrios, liban sa maganda ang height, nandiyan din ang liksi at laki ng mga players na nagpadagdag pa ang presensiya nina Utah Jazz star Jordan Clarkson at ang seven-footer na si Kai Sotto.
Lumalabas na ang pinakamaliit sa team ay ang mga point guards na sina Scottie Thompson at Kiefer Ravena.
Ibinahagi rin ng SBP spokesman ang diskarte ng Gilas team pagdating sa ball movement at ang plays na ilalatag laban sa Lebanon.
Sa ngayon hindi man daw best players ang nabuo ng bansa pero sila ang best team na haharap sa powerhouse team na Lebanon.