CEBU – Nangangamba ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Medellin na hindi na maipagpapatuloy ang nag-iisang 100 taong gulang na sugar mill sa Probinsya ng Cebu, ang Bogo-Medellin Milling Company, Inc. (BOMEDCO).
Ito ang ibinunyag ni Mayor Joven Mondigo, ang Alkalde ng Medellin sa naging eksklusibong panayam ng Bombo-Radyo Cebu bagamat halos isang buwan na itong hindi nagpapatrabaho.
Bagay na kanila ring ikinababahala ay dahil sa malaking epekto nito hindi lamang sa nasabing lugar ngunit kasama rin ang buong lalawigan ng Cebu, gayundin ang mga manggagawa ng kumpanyang iyon.
Ibinunyag din ng alkalde na matagal nang usap-usapan ang nabanggit na problema sa mga gilingan rason kung bakit may mga bigtime na negosyante na lumipat sa Negors imbes sa nasabing lugar.
Dagdag pa ni Mayor Mondigo nahihirapan na ang industriya ng asukar dahil kung dati ay aabot lamang P900 ang pataba ngayon ay pumalo na ito sa P3,000 , maraming tao ang hindi na nagtatanim ng tubo, at kapag hindi nila nakuha ang target hindi na mabubuhay ang sugar mill dahil hindi na economicaly valuable ang operation cost nito.
Kung matatandaan, unang nagpahayag ng pagkabahala si Forferio Rosales Cuyos, isang planter ng tubo sa nasabing lugar, dahil sa napakamahal ng pataba, dagdag pa ang halaga ng langis.
Dahilan na malaki ang posibilidad na wala nang magiging tubuhan ang probinsya.