Hindi umano kailanman bibitawan ng Houston Rockets ang kanilang superstar na si James Harden pagsapit ng trade season sa NBA.

Ginawa umano ng ilang opisyal ng Rockets ang pahayag matapos na lumutang ang isyu na interesado raw ang Philadelphia kay Harden kapalit ni Ben Simmons.

Napikon pa umano ang naturang opisyal ng Houston dahil hindi sumasagi sa kanilang isipan na mawalay si Harden kahit ito pa ang magpahiwatig nang kagustuhang lumipat.

Ilang beses na ring idineklara ng Houston na palalakasin pa nila lalo ang team sa pangunguna ni Harden.

Una na ring lumutang ang posibilidad na ilang teams naman sa NBA ang nag-aambisyon din na makuha sa trade ang ka-tandem ni Harden na si Russell Westbrook.