VIGAN CITY – Para sa isa sa mga may-akda ng kontrobersyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) law dapat idaan pa rin sa due process ang pagbabalik sa kulungan ng mga lumayang convicts na naging benepisyaryo ng naturang batas.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na kailangang maglabas ng warrant of arrest ang korte bago muling ipasok sa kulungan ang halos 2,000 convicts sa mabibigat na kaso.
Ani Rodriguez, kahit nagkamali sa computation ang Bureau of Corrections (BuCor), malinaw ang nakasaad sa Saligang Batas na hindi maaaring arestuhin ang isang indibidwal nang walang arrest warrant.
Sa huling datos ng Philippine National Police, higit 400 mula sa halos 2,000 heinous crime convicts na nakalaya dahil sa GCTA pa lang ang sumusuko uli.