-- Advertisements --

Bumuhos ang pagbati kay Filipino basketball star Kai Sotto matapos na maimbitahan ito ng Orlando Magic na maglaro sa knailang Summer League.

Ang nasabing hakbang ay tila nalalapit ng maabot ng 7 foot 3 na center ang pangarap nitong maglaro sa NBA.

Itinuturong naging malaking susi sa nasabing imbitasyon sa 21-anyos na si Sotto na maglaro sa Magic ay ang paglalaro na niya sa Australian team na Adelaide 36ers at sa Japan League.

Sinabi ng kaniyang agent na si Tony Ronzone na maraming mga NBA teams ang nakatutok sa laro ni Sotto subalit tanging ang Orlando Magic ang nagpakita ng malaking interest na makuha agad si Sotto.

Mula ng lumabas ang balita ay binati ito ng mga kapwa basketball players sa bansa na nakasama si Sotto kung saan karamihan sa kanila ay umaasang matupad na ang pangarap nitong makapaglaro sa NBA.