-- Advertisements --

Todo pasalamat ngayon ang Pinoy seven-footer na si Kai Sotto sa mga fans sa iba’t ibang dako ng mundo na nagbigay ng suporta sa kanya kahit nabigo mna na kunin siya ng mga NBA team sa ginanap na Draft kanina.

Sa kanyang statement sa social media, tiniyak ni Sotto, 20, na tuloy ang kanyang ambisyon at journey na makamit ang minimithing pangarap na maging kauna-unahanga full blooded Filipino sa NBA.

Para naman sa mga veteran observers, hindi pa rito nagtatapos ang pangarap ni Sotto dahil napakabata pa nito at maraming pang panahon na mag-improve ang laro.

kai sotto pacers
Kai Sotto

Anila, marami ang mga ehemplo na mga undrafted players ay naging interesado pa rin ang ilang mga NBA team.

Halimbawa na lamang ang mga NBA stars na sina Christian Wood, Fred VanVleet, at Seth Curry.

Samantala nilinaw din naman ni Sotto na hindi niya sinasara ang posibilidad na maglaro din siya ngayon sa NBA summer league

“Thank you to everyone for your support and kind words tonight, I won’t stop pursiung the dream of being in the NBA…..this is not the end. I also want to clarify that no decision has been made about me not playing in the summer league. My agent misspoke,” ani Sotto sa kanyag social media account na Twitter.