-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Magsisilbi umanong babala para sa ibang hoarders ang isinagawang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) Region 12 kasama ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa isang parlor shop sa lungsod ng Tacurong.

Ito’y matapos nilusob ng pinagsanib na puwersa ng dalawang tanggapan ang naturang parlor matapos nakatanggap ng impormayon hinggil sa itinatagong kahon-kahong bote ng alcohol, disinfectants at Vitamin C supplements ng suspek na si Charise Chrizzle Jay T. Angtui.

Ayon kay Romeo Cotingjo, executive director ng NBI-12, kabilang si Angtui sa kanilang minamanmanan na bumibili umano ng naturang mga produkto at ibinebenta online sa mas mahal na halaga.

Nagbabala ang naturang opisyal na magmumulta ang sinumang business establishment o mga indibidwal dahil sa hoarding at maaari rin aniyang makansela ang kani-kanilang mga business permit.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng FDA ang nasabat na mga produkto.