-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Arestado ang driver ng isang van matapos mahuli na may kargang karton-karton ng mga alak sa border control checkpoint sa Barangay Tigayon, Kalibo, Aklan.

Lulan ng van ang anim na kahon ng alak na kinumpiska at dinala sa Kalibo Police Station.

Inisyuhan ng citation ticket ang driver nito na nagngangalang Raffy Fuentes, 48-anyos ng Barangay Libas, Roxas City, dahil sa paglabag sa ipinapatupad na liquor ban.

Galing sa bayan ng Kalibo ang suspek nang madakip ng mga pulis.

Muling nagpaalala ang pulisya sa publiko na bawal pa rin ang pagbili, pagbebenta at pagdala ng mga alcoholic drinks dahil sa ipinapatupad na general community quarantine sa lalawigan.