BUTUAN CITY – Umaabot pa sa 223 domestic at foreign tourists ang stranded sa iba’t ibang tourist spots ng Caraga Region matapos maabutan ng lockdown dahil sa COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).
Base sa record ng Department of Tourism (DOT)-Caraga, sa nasabing bilang ay 87 ang mga dayuhan habang 136 nang mga domestic tourists.
Sila na lamang ang natitira sa mga turista nga nakabalik na ng Maynila matapos mai-cater sa sweeper flights na kinomisyon ng DOT.
Ang mga umalis na 166 turista ay nabigyan nila ng sanitation kits at snacks para sa kanilang pagbiyahe, maliban pa sa one-time financial assistance matapos makakuha ng travel pass.
Ang mga foreign tourist naman ay nai-house sa safe houses na sila mismo ang nagbabayad.
Napag-alamang ang natirang mga turista ay may flight tickets na matapos inakalang makakabiyahe na sila ngayong isinailalim na sa MGCQ (modified general community quarantine) ang buong Caraga Region ngunit dahil wala pang commercial flight kung kaya pina-rebook na lamang nila ito.