-- Advertisements --
NDRRMC

Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na handa ito sa oras na ideklara na ang pagpasok ng panahon ng tag-ulan.

Sinabi ni NDRRMC spokesperson Raffy Alejandro na ito ay sa gitna ng inaasahang “extreme rainfall event” o mas malakas na pag-ulan na dulot ng naranasang El Niño sa bansa.

Ito ang dahilan kung bakit kasabay ng paghahanda ng ahensya noong panahon ng tag-init ay naghahanda na rin ito para sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan sa Pilipinas.

Bukod dito ay nagpapatuloy din anila ang kanilang pagpapahusay pa sa mga sistema ng pagtugon sa Bagyo kabilang na ang mas mahigpit na monitoring sa mga sama ng panahon bago ito pumasok sa Philippine Area of Responsibility para sa mas maagang pagpaplano at pagpupwesto ng kanilang mga resources at iba pa.

Samantala, idinagdag din ni Alejandro na ang naging paghahanda ng kanilang kagawaran para sa magiging pananalasa ni Bagyong Betty ay nagsilbi ring “exercise” para sa paparating na “typhoon season” sa bansa.