-- Advertisements --

Natuklasan sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na bumaba ang kahandaan ng mga Pilipino laban sa mga sakuna noong nakaraang taon.

Ito ay sa kabila ng pagiging prone ng bansa sa natural hazards, tulad ng lindol at bagyo.

Base sa nationwide survey na isinagawa mula Disyembre 10 hanggang 14 sa loob ng 1,200 respondents, nasa 29 percent ang very prepared; 43 percent ang somewhat prepared para sa bagyong kasing lakas ng Yolanda.

Nasa 18 percent naman ang nagsasabi na somewhat prepared habang 10 percent ang “not prepared” at all.

Ang bagyong Yolanda ay tumama sa Pilipinas noong Nob. 8, 2013.

Tinaguriang pinakamalakas na bagyong nag-landfall sa naitalang kasaysayan.